Nagpaabot ng pasasalamat si Senador Bong Go sa pagbati ni Kapuso star Bea Alonzo at rumored boyfriend nitong si Vincent Co para sa kaarawan niya.
Sa latest Facebook post ni Go nitong Sabado, Hunyo 14, makikitang magkakasama silang tatlo sa isang larawan.
Samantalang ang isa naman ay screenshot mula sa video call kung saan kasama ni Bea si Vincent sa kabilang linya.
“Maraming salamat, idol Vincent Co at Bea Alonzo sa pagbati sa aking kaarawan,” saad ng senador sa caption ng post.
Dagdag pa niya, “Maraming salamat rin sa lahat ng ating mga kababayang Pilipinong bumati. Mahal na mahal ko kayong lahat.”
Matatandaang mahigit isang buwan na simula nang umugong ang usap-usapang may namamagitan umano kina Bea at Vincent matapos silang maispatang magkasama sa Espanya.
KAUGNAY NA BALITA: Bea Alonzo, rumored jowang si Vincent Co naispatang magkasama sa airport
KAUGNAY NA BALITA: Bea Alonzo, businessman na si Vincent Co, nagde-date?
Ngunit hanggang ngayon wala pa rin namang nagsasalita sa kanilang dalawa para kumpirmahin o pabulaanan ang mga lumulutang na tsika tungkol sa kanila.