Mukhang "sumakses" na naman ang kilalang adult-content star na si Salome Salvi matapos niyang i-flex na "bagong dilig" daw siya at may bago pang sapatos.
"bagong dilig bagong sapatos ," mababasa sa caption ng latest Facebook post niya.
Bago nito ay ibinida muna ni Salvi ang larawan niya kasama ang anim na kalalakihan.
"sarap ng pinoy " aniya.
KAUGNAY NA BALITA: Salome Salvi, ‘nasarapan’ sa mga Pinoy
Sa Facebook post naman ni Salvi noong Linggo, Hunyo 8, sinabi niyang ang purpose daw niya sa buhay ay "maging masarap."
"ang purpose ko sa buhay ay maging masarap," aniya.
Matatandaang sa panayam sa kaniya ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, sa "Toni Talks," dito ay nagbukas ng kaniyang kalooban si Salome kung paano at bakit siya napunta sa trabaho bilang adult-content star.
Nasabi niya sa panayam na masaya naman daw siya sa ginagawa niya.
KAUGNAY NA BALITA: Salome Salvi sa paggawa ng porn: ‘Masaya ako sa ginagawa ko’