Binarda ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon si House Spokesperson Atty. Princess Abante sa pagdepensa nito sa mga paayuda ni House Speaker Martin Romualdez sa mga mahihirap na Pilipino.
"Nag-explain ka pa beh, yung boss amo mo ay pinagsamang tambaloslos na kawatan," patutsada ni Guanzon sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Hunyo 13.
Matatandaang sa video statement na inilabas noon din Hunyo 13, sinabi ni Abante na mas gugustuhin pa umano niyang matawag na “tambaloslos” kaysa kawatan.
“Kung ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing ng iba na kalokohan, mas gugustuhin na po naming matawag na ‘tambaloslos’ kaysa naman matawag na ‘kawatan’ dahil sa pagnakaw sa kaban ng bayan.”
BASAHIN: Atty. Princess Abante, dinepensahan mga paayuda ni HS Martin Romualdez