June 15, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

'No more pa-tweetums!' FranSeth, todo-tukaan na sa bagong serye

'No more pa-tweetums!' FranSeth, todo-tukaan na sa bagong serye
Photo courtesy: Sony Music Philippines (X)

Binuking mismo ng Kapamilya lead star na si Gerald Anderson na ibang Francine Diaz at Seth Fedelin daw o "FranSeth" ang mapapanood sa bagong teleserye nilang "Sin of the Father," sa isinagawang media conference dito sa isang mall sa Cubao, Quezon City noong Biyernes, Hunyo 13.

Mula mismo kay Francine, malayong-malayo na raw ang ginawa niya rito kumpara sa mga medyo pa-sweet na roles niya sa ibang proyekto.

Dito ay medyo palaban ang role ni Francine, at ang nakakaloka, mukhang pinayagan na silang magkaroon ng kissing scenes. Kapag "baklas" o tapos na nga raw ang taping nila, napapaisip si Francine kung paano nila nagawa o nairaos ni Seth ang ilang mga eksena nila.

Sey naman ni Gerald, tiyak na mapa-proud ang fans sa FranSeth dahil nag-level up na nga sila rito sa seryeng ito at hindi nga raw scam.

Teleserye

ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!

Well, hindi naman na bagets ang dalawa at maituturing na adult na, kaya oks lang iyan!

Si Andrea Brillantes nga ay naging palaban na rin sa TV matapos makipaglaplapan sa co-actor na si Jake Cuenca sa "FPJ's Batang Quiapo."

MAKI-BALITA: Bathtub scene nina Andrea at Jake, inabangan; aprub ba?

MAKI-BALITA: Si Jake pa nakauna: Palaban era ni Andrea, umani ng reaksiyon

MAKI-BALITA: New at palaban era na! Andrea, 'hinigop' ni Jake

Minsan talaga kailangang mag-level up ang isang artista para hindi siya makahon sa kung ano ang nakasanayan sa kaniya ng mga tao.

Hindi naman ni-reveal sa nabanggit na presscon kung pang-ilang episode mapapanood ang "tukaan" ng dalawa on-screen, kaya dapat abangan na lang ng viewers at supporters!