Talaga nga namang hindi ikinakahiya ni Asia's Nightingale Lani Misalucha ang pagsailalim niya noon sa “nose job.”
Sa latest episode kasi ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, napag-usapan nina Ogie at Lani ang tungkol sa pagbisita ng huli sa “ASAP” noong Marso.
Nagbitiw kasi noon si Lani ng biro tungkol sa kaniyang ilong na ikinatuwa ng mga netizen kaya naman talagang nag-trending sa social media.
'Pag nakita n'yo 'yong mga YouTube [videos] ko 'don, sa ASAP, oo, hindi pa gawa ilong ko 'don,” natatawang sabi niya.
MAKI-BALITA: Lani Misalucha, inokray sariling ilong: 'Para 'kong galing sa Mars!'
Kaya naman maging si Ogie ay umaming natawa rin sa hirit na iyon ng Asia’s Nightingale ngunit sa kabilang banda ay natuwa rin dahil sa pagiging tapat nito.
“Totoo naman. 'Pag tiningnan mo 'yong mga clips ng mga guesting ko dati sa ASAP. Makikita mo 'yong difference. Before and after,” saad ni Lani.
Dagdag pa niya, “'Yong mga hindi nga artista nagpapaayos, e. 'Wag na kayong magtanong. Ako na magsasabi kasi kita mo naman ang difference.”
Matatandaang noon pa man talaga ay hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang pagpapaayos ng ilong ni Lani.