Isasagawa sa Setyembre 7, 2025 ang kanonisasyon ng Italian computer-coding teenager na si Blessed Carlo Acutis upang ideklara siya bilang kauna-unahang "millennial saint," ayon sa Vatican.
Itinakda ang naturang petsa ng kanonisasyon sa ginanap na first Ordinary Public Consistory ni Pope Leo XIV nitong Hunyo 13, 2025 sa Apostolic Palace.
Ayon sa Santo Papa, sabay ang kanonisasyon nina Acutis at Blessed Pier Giorgio Frassati. Ang mga kanonisasyon ng dalawang batang santo ay lubos na inaabangan umano ng mga mananampalataya.
Kung babalikan: Noong Mayo 23, 2024, binigyang-pagkilala ni Pope Francis ang himalang nagawa umano ni Acutis, dahilan kaya’t nakatakda siyang kilalanin bilang kauna-unahang millennial saint.
Noong Hulyo 1, 2025 naman nang aprubahan ni Pope Francis ang kanonisasyon nito dahil pabor ang mga cardinal na gawing santo si Acutis.
Gayunman, isasagawa dapat ang kanonisasyon noong Abril 27, 2025 ngunit ito ay naudlot dahil sa pagkamatay ni Pope Francis noong Abril 21.
Kung kaya't nitong Hunyo 13, inanunsyo na ni Pope Leo XIV ang patungkol sa kanonisasyon ni Acutis.
Pumanaw si Acutis noong Oktubre 12, 2006 sa Monza, Italy, sa edad na 15 dahil daw sa sakit na leukemia.
BASAHIN: Kilalanin si Carlo Acutis, ang nakatakdang maging unang ‘millennial saint’