Usap-usapan ng mga netizen ang cryptic repost ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na palaisipan sa mga netizen kung para kanino o kung tungkol saan.
Nirepost kasi ni Marian ang isang TikTok video mula sa account na "NO TRADE OFF" kung saan makikita ang isang black woman na naglilitanya patungkol sa isang "hugot."
"Everything you do in life is like a boomerang. When you throw it, it eventually comes back. Don't f**k with me," maririnig dito.
Tumayming naman ito sa recent ganap na pagkikita ng mister na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at ex-girlfriend nitong si Karylle na host naman ng "It's Showtime," nang bumisita ang una kamakailan sa nabanggit na noontime show kasama ang dating ABS-CBN President na si Charo Santos-Concio, para sa promotion ng pelikula nilang "Only We Know."
KAUGNAY NA BALITA: Sey mo Marian? Mag-ex na Dingdong at Karylle, nagkaharap na!
Kaya naman, napakomento ang mga netizen at tila pinagbintangan pa si Marian na umano'y parinig daw niya ito sa dalawa.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"ngumiti ka nanaman kasi karylle naparepost tuloy HAHAHA"
"mass maganda si karylle hehe"
"Si Karylle dapat mag repost neto eh, boomerang sa ginawani marian noon"
"grabe talaga ang gandaaa ni karylle, kahit walang ginagawa pinagseselosan HAHAHAHA"
"May makukulong na naman sa CR"
"KARYLLE’s smile can launch a thousand ships talaga!"
Sa kabilang banda, ilang netizens naman ang nanaway sa mga marites at sinabing sa palagay nila, hindi para sa asawa at para kay Karylle ang reposted video.
"2 days ago nya pa repost to jusme hndi pa na air ung showtime eme kayo hahaha"
"Check niyo account ni Marian, damin niyang ganitong reposts even from last week and 2 weeks ago pa. Not everything is about Karylle."
"2 days ago pa to di pa nag gguest"
"i dont think this is about karylle?"
"if the shoe fits, wear it, Ika nga, narepost nya 2 days ago before ang guesting ni Dingdong sa Showtime, and we all know pag nag guest si Dingdong or both we expect na absent sya, busy sya, or may trabaho. kaya kayo mga toxic Fans wag kaayo gagawa ng issue para maging relevant."
"antagal na pala nirepost to juskong chismis yan HAAHAHHA"
Kung titingnan naman ang latest Instagram post ni Marian, makikitang dumalo pa nga siya sa premiere night ng pelikula at nagpaabot pa ng pagbati sa mister, kay Charo, at sa direktor nito.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Marian patungkol sa pang-iintriga ng mga netizen sa kaniyang reposted video.