Hindi sang-ayon si dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo kay Senator Imee Marcos bilang ka-tandem ni Vice President Sara Duterte sa 2028 presidential elections.
Sa panayam ng “One Balita Pilipinas” nitong Biyernes, Hunyo 13, inihayag ni Panelo ang higit na pagkiling niya kay Senador Robin Padilla kaysa kay Sen. Imee.
“Mas maganda siguro Sara-Robin Padilla. ‘Yong Imee, wala. Balat-kayo ‘yon, e. Hindi ako nagtitiwala do’n. Maraming hindi nagtitiwala do’n,” saad ni Panelo.
Matatandaang sinabi ni Sen. Robin sa talumpati niiya noong ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan sa Kuala Lumpur, Malaysia na siya umano ang tatayong campaign manager nina VP Sara at Sen. Imee sa susunod na halalan.
"Si Robin Padilla hindi politiko. Si Robin Padilla campaign manager ni Inday Sara Duterte at ni Imee Marcos. At siyempre ang mga senador nila,” saad ni Sen. Robin.
Samantala, nagulat umano ang bise-presidente sa sinabing ito ng dating action star at ngayo’y isang senador.
MAKI-BALITA: VP Sara, na-shookt sa 'Sara-Imee' tandem sa 2028