June 14, 2025

Home BALITA Metro

Pauwi na sana ng bahay: Liaison officer, patay sa pananambang

Pauwi na sana ng bahay: Liaison officer, patay sa pananambang

Isang liaison officer ang patay nang tambangan at pagbabarilin ng isang 'di kilalang salarin habang lulan ng kaniyang motorsiklo at pauwi ng kanilang tahanan sa Antipolo City nitong Huwebes, Hunyo 12. 

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si alyas ‘Mar,’ 49, residente ng Brgy. Mambugan, Antipolo City dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman at pinaghahanap na ng mga awtoridad ang salarin na hindi nakilala ng mga testigo dahil sa suot nitong full-face helmet at lulan ng isang itim na motorsiklo.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-7:50 ng umaga nang maganap ang krimen Brgy. Mambugan.

Metro

Pasaherong PWD pinagbubugbog, sinakal sa loob ng bus

Lulan umano ang biktima ng kaniyang motorsiklo at pauwi na sana ng kanilang tahanan nang bigla na lang tambangan ng salarin at kaagad na paulanan ng bala.

Nang matiyak na napuruhan ang biktima ay mabilis nang tumakas ang salarin, bitbit ang armas na ginamit sa krimen.