June 14, 2025

Home BALITA Internasyonal

Pamilya ng mga biktima ng war on drugs, umalma sa interim release ni FPRRD

Pamilya ng mga biktima ng war on drugs, umalma sa interim release ni FPRRD
Photo Courtesy: via MB

Naglabas ng sentimyento ang pamilya ng mga biktima ng war on drugs sa pamamagitan ng Rise Up for Life and for Rights kaugnay ng hiniling na interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Rise Up for Life and for Rights ay isang alyansang nagsimulang mabuo bilang pagtugon sa tumataas na kaso ng mga patayan na may kinalaman sa droga.

Matatandaang bagama’t hindi pa pinapangalanan, may bansa na umanong handang tumanggap sa dating pangulo sakaling palayain siya ng ICC pansamantala.

MAKI-BALITA: FPRRD, humiling na ng interim release; may bet ng puntahan na bansa

Internasyonal

Kaufman, inaming gumagawa ng krimen si FPRRD? – Usec. Castro

Sa latest Facebook post ni human rights lawyer Atty. Kristina Conti nitong Biyernes, Hunyo 13, mababasa na magkahalong galit, pangamba, at katanungan ang nararamdaman umano ng pamilya ng mga nasawi sa madugong giyera kontra droga sa ilalim ng nakaraang administrasyon.

“Mapanganib ang apila na ito ng interim release dahil malaki ang posibilidad na gamitin ito ng kanyang pamilya na makapagsalita sa publiko sa loob at labas ng bansa upang makaiwas sa pananagutan,” saad sa pahayag.

Anila, “Ito ay kanilang paggigiit upang matatakasan ni Duterte ang pananagutan sa kanyang krimen  laban sa sangkatauhan.” 

“Umaasa ang mga pamilya na huwag sanang mangyari ang interim release ni Duterte, dahil nakakatakot kung ito ay mapagbibigyan,” dugtong pa sa pahayag.

Kaya naman naninindigan silang mabigyan ng proteksyon ang mga biktima upang magkaroon ng lakas ng loob na tumindig at lumaban para sa mga mahal nila sa buhay.

Kasalukuyang nakadetine si Duterte sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong “crimes against humanity.” Nakatakda ang kaniyang confirmation of charges hearing sa Setyembre 23, 2025.

MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025