June 15, 2025

Home BALITA Internasyonal

Magsisimula sana ng bagong buhay sa London: Doktor at pamilya nito, nasawi rin sa Indian plane crash

Magsisimula sana ng bagong buhay sa London: Doktor at pamilya nito, nasawi rin sa Indian plane crash
Photo courtesy: Contributed photo

Tila hindi na pinayagan ng kapalaran na matupad ang pangarap ng isang padre de pamilya na tumira sa London kasama ang kaniyang mag-iina, matapos silang makasama sa mga nasawi sa pagsabog ng Air India noong Hunyo 12, 2025.

BASAHIN: Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Ang ilang taong iginugol ng nasabing pamilya para sana sa bagong simula, ay natuldukan sa isang malagim na trahedya.

Usap-usapan sa social media ang sinapit ng doktor na si Pratik Joshi at kaniyang pamilya matapos kumalat ang umano’y huling larawan nila habang nakasakay sa eroplanong kikitil pala ng kanilang buhay. 

Internasyonal

Pamilya ng mga biktima ng war on drugs, umalma sa interim release ni FPRRD

Ayon sa ulat ng iba’t ibang international news outlet, anim na taon ng doktor si Joshi sa London kung saan pinaghandan niyang ipetisyon ang kaniyang buong pamilya mula sa India. Habang ang kaniyang misis naman na isa ring doktor sa ay bagong resigned lang sa Pacific Hospital sa Udaipur para magtrabaho na rin sa London.

Kasama ng mag-asawa ang tatlo nilang anak na isang kambal na lalaki na nasa edad limang taong gulang at anak na babaeng walong taong gulang.

Hanggang sa ngayon, hindi pa tiyak kung ano ang naging sanhi ng trahedya, hindi lamang sa buhay nina Joshi, kundi sa mahigit 200 pang mga pasaherong bitbit ang kani-kanilang rasong makatapak sa London, na tinupok na lang ng apoy sa pagsabog ng Air India. 

Sa kabila ng naturang malagim na trahedya, susubukan naman ng kaisa-isang pasaherong nakaligtas na ipagpatuloy ang kaniyang buhay sa kabila ng pagkamatay ng kaniyang kapatid sa naturang eroplano.

KAUGNAY NA BALITA: Nag-iisang survivor sa Indian plane crash, nakahingi ng tulong matapos tumilapon sa bintana