June 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Catriona Gray, bumoses matapos ireto kay Vico Sotto

Catriona Gray, bumoses matapos ireto kay Vico Sotto
Photo Courtesy: Catriona Gray (IG), Vico Sotto (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Miss Universe 2018 Catriona Gray kaugnay sa pansi-ship sa kanila ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Nagsimula kasi ang intrigang ito nang mapansin ng mga netizen na naka-follow ang dalawa sa isa’t isa sa kanilang Instagram account. 

In fact, binansagan na agad ang tambalan nila na “ViCat”!

Sa panayam ng media noong Huwebes, Hunyo 12,  sinabi ni Catriona na nagulat daw siya na bigla silang pinag-usapan ni Vico sa online world.

Tsika at Intriga

Lani Misalucha, loud and proud sa retokada niyang ilong

“Nagulat din ako,” natatawang sabi ni Catriona. “Hindi ko in-expect. [...] Follow-an lang. Mutuals lang. ”

Giit pa niya, “Basta happy people but there’s nothing much more than a mutual follow.”

Matatandaang bukod kay Catriona, naiugnay din kay Vico ang anak ni Aga Muhlach na si Atasha at si TV5 news anchor Gretchen Ho.

MAKI-BALITA: Atasha Muhlach, nagsalita sa isyung nabuntis siya ni Mayor Vico Sotto