June 14, 2025

Home BALITA Probinsya

Babaeng, mag-eenroll ng dalawang anak, patay matapos pumailalim sa bus

Babaeng, mag-eenroll ng dalawang anak, patay matapos pumailalim sa bus
Photo courtesy: Contributed photo

Patay ang isang babaeng motorcycle rider matapos maslpok ng isang pampasaherong bus sa Pandag, Maguindanao del Sur.

Ayon sa mga ulat, sakay ng babae ang kaniyang dalawang anak na 10-taong gulang at 11-anyos na noo’y papunta na raw sa eskwelahan para sa enrollment.

Batay naman sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, iniwasan umano ng bus ang lubak na daan sa kalsada dahilan upang mahagip niya ang motor ng babae hanggang sa tumaob ito at sumuot sa ilalim.

“Itong bus driver, iniwasan niya yung lubak-lubak na cemented road then pag-iwas, nasa unahan niya yung motor, pag busina niya parang nagulat yung driver, yun, nabangga ng bus yung likod ng motor tapos nahulog yung babae, doon sa ulo ng bus kaya pumailalim doon sa tire ng bus doon sa front,” saad ni Staff Sergeant Rizalde Sumensil sa media.

Probinsya

Dalawang paslit sa Leyte, pinagtataga ng step-father, patay; nanay, kritikal!

Samantala, nakaligtas na naman ang dalawang anak ng biktima na tumilapon sa aksidente at nagtamo ng minor injuries. Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng bus na posibleng maharaop sa kaukulang kaso. Habang inaantay pa ng pulisya ang desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa pa raw ang mga ito ng kaukulang reklamo.