June 15, 2025

Home BALITA Eleksyon

Voter's registration para sa BSKE, posibleng isuspinde ng Comelec sa Hulyo

Voter's registration para sa BSKE, posibleng isuspinde ng Comelec sa Hulyo
Photo courtesy: File photo

Ikinukonsidera na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsuspinde sa nakatakdang voter's registration para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Hulyo 2025.

Sa panayam ng media kay Comelec Chairman George Erwin Garcia nitong Huwebes, Hunyo 12, iginiit niyang iginagalang daw ng komisyon ang niratipika ng bicameral committee na term extension para sa lahat ng barangay at SK officials mula tatlong taon na magiging apat na taong panunungkulan.

"Una, dapat nating maintindihan na ito ay political decision at siyempre, hindi pupwedeng makialam ang Comelec sa political decision, lalo na ng ating legislative department," ani Garcia.

Dagdag pa niya, "Ginagalang natin yan at kung ano mapagkasunduan nila, susunod ang Comelec lalo na ito ay pagpapaliban ng isang halalan."

Eleksyon

Sen. Imee, mapagbalat-kayo raw; ‘di bet ni Panelo para kay VP Sara sa 2028

Hinihintay na lamang ng Comelec ang magiging desisyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. kung aaprubahan o ive-veto niya ang inapubra ng bicam.

Samantala, umaasa pa rin daw ang Comelec na maibabalik ang ₱2,000 dagdag sa allowance na matatanggap ng electoral board at ng mga guro na uupo sa eleksyon.

Matatandaang nauna nang kinumpirma ni Garcia na tinanggal ang ₱2,000 dagdag na budget sa electoral board at mga guro matapos tapyasan ang kanilang budget para sa BSKE.

KAUGNAY NA BALITA: Budget ng Comelec sa BSKE, tinapyasan; ₱2k na honorarium ng mga teacher, damay!