Mainit na usap-usapan ang umano'y hindi raw pinapasok ang ina ng social media personality na si Zeinab Harake sa kasal nila ng Filipino-American basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr.
Batay sa kumakalat na screenshot ng umano'y komento ng ina ni Zeinab na si Mariafe Ocampo, tila wala raw siyang nagawa at hindi na nakapasok matapos daw ang umano'y mahigpit na utos ng anak na huwag siyang papasukin.
Iyan daw ang umano'y mahigpit na bilin ni Zeinab sa wedding coordinator at headguard.

Hindi naman malinaw, kung totoo nga ba ang akusasyong ito ng mismong ina, kung bakit hindi umano pinahintulutan ni Zeinab ang ina na makadalo sa kaniyang kasal.
Hindi pa naglalabas ng reaksiyon, tugon, o opisyal na pahayag si Zeinab tungkol dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.