June 14, 2025

Home BALITA Metro

Ospital sa Makati, nangangailangan ng blood donor

Ospital sa Makati, nangangailangan ng blood donor
Photo Courtesy: Makati Medical Center (FB), Pexels

Nanawagan ng blood donor ang Makati Medical Center upang makapagligtas ng buhay.

Sa isang Facebook reels noong Martes, Hunyo 11, makikita ang pulang ilaw sa labas ng Makati Med.

“If anyone wishes to donate, our Blood Bank is open Monday to Sunday, 8AM to 10PM,” saad ng Makati Med sa caption.

Dagdag pa nila, “One donation can save up to three lives.Thank you for being a hero”

Metro

Pasaherong PWD pinagbubugbog, sinakal sa loob ng bus

Matatandaang nangngahulungang kinakailangan ng Makati Med ng dugo kapag nakabuhay ang naturang ilaw batay sa kanila ring Facebook post noong Nobyembre 2023.

MAKI-BALITA: Ano nga ba ang ibig sabihin ng PULANG ILAW sa isang ospital na ito?

Ang blood donation ay mahalaga para sa mga indibidwal na sumailalim sa operasyon, humaharap sa trauma o malalang sakit, at nakikipaglaban sa cancer. Sa madaling salita, maaari itong makapagpanatili at makapagligtas ng hanggang tatlong buhay.

Pero hindi lang ang makakatanggap ng dugo ang mapapabuti at matutulungan. Dahil ang mismong nagbigay nito ay may benepisyong pangkalusugan ding makakamtan o matatanggap.