June 13, 2025

Home BALITA National

Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO

Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO
PCSO

Kinubra na ng lone bettor mula sa Laguna ang napanalunan niyang Mega Lotto 6/45 jackpot prize sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). 

Ayon sa PCSO, napanalunan ng lone bettor ang  mahigit ₱70 milyon noong Mayo 21 draw. Nahulaan nito ang winning numbers na 10-18-19-23-25-28. 

Personal na kinubra ng lone bettor ang premyo kay PCSO Gen. Manager Mel Robles. Naikuwento rin niya mula pa noong Marso 1995 pa siya tumataya ng lotto. 

Anang lotto winner, lagi lang niya nakukuha ang apat na numero pero ngayon ay sinuwerte siyang makuha ang anim na numero. 

National

VP Sara 'hostage' si Sen. Imee, kailangang ibalik sa Pinas si FPRRD

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.