Nagbigay ng reaksiyon si labor leader at dating senatorial aspirant Atty. Luke Espiritu kaugnay sa desisyon ng Senado na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa latest Facebook post ni Espiritu noong Martes, Hunyo 10, sinabi niyang “gaguhan” na umano ang Senado na binubuo ng mga trapo at dinastiya.
“Gaguhan na talaga ang Senado ng mga trapo at dinastiya na'to,” saad ni Espiritu.
Kaya panawagan niya, “[S]a panahon na'to kailangan na ng direktang interbensyon ng taumbayan. Magkita-kita tayo bukas sa Senado.”
Matatandaang 18 senador ang pumabor sa mosyon ni Senador Alan Peter Cayetano na ibalik sa House of the Representatives ang Articles of Impeachment laban sa bise-presidente. Samantala, lima nman ang naghayag ng pagtutol.
MAKI-BALITA: Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?