May 22, 2026

Home BALITA Metro

78% ng bagong kaso ng tigdas sa QC, mga batang nasa edad 10 pababa!

78% ng bagong kaso ng tigdas sa QC, mga batang nasa edad 10 pababa!
Photo courtesy: QCESD (FB)

Binubuo ng mga batang nasa edad 10 pababa ang 78% ng kabuuang tala ng kaso ng tigdas o measles sa Quezon City sa mga unang bahagi ng 2026. 

Ayon sa pahayag ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD) nitong Biyernes, Abril 10, sa 136 kaso ng tigdas sa Quezon City, mula Enero 1 hanggang Abril 8, 106 dito ang mga nasa edad 10 pababa.

Saad pa ng QCESD, ang ikalawang distrito ng Quezon City ang may pinakamataas na kaso ng tigdas, sa bilang na 57; sinundan ito ng ikaapat na distrito sa bilang na 29; sumunod ang ikaanim na distrito sa 25 na kaso; ang ikatlong distrito sa 11 na kaso; at ang una at ikalimang distrito na may tig-pitong mga kaso. 

Matatandaan ding isang apat na buwang sanggol ang naitalang kauna-unahang measles-related death sa lungsod, na pumanaw noong Marso 25. 

Sa kabila ng agarang gamutan, mabilis ang naging paglala ng kondisyon ng sanggol at kinailangan nang dalhin sa emergency care bago ito tuluyang pumanaw. 

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

MAKI-BALITA: Kauna-unahang measles-related death sa QC ngayong 2026, isang 4 na buwang sanggol

Bilang tugon sa mga matataas na talang ito, partikular sa mga menor de edad, tiniyak ng QCESD na nagpapatuloy ang surveillance, outbreak response immunization, health education, at prevention campaign ng Quezon City local government unit (LGU). 

Dahil isang mapanganib na sakit, hinihikayat ng QCESD ang mga magulang na magtungo sa health center o ospital kung makikitaan nila ng anumang sintomas ng tigdas ang kanilang anak, tulad ng rashes at lagnat.