Napukaw ang atensyon ng marami sa foreigner na kasama ni Donnalyn Bartolome noong kasal ng kapuwa niya social media personality na si Zeinab Harake.
Sa latest Facebook post ni Donnalyn noong Martes, Hunyo 11, ibinahagi niya ang larawan nila ni American basketball player Coty Clarke habang naglalakad silang dalawa papuntang altar.
Si Coty ay minsan nang nakalaro sa isang season ng National Basketball Association (NBA) para sa team ng Celtics Boston.
“Alam ko na agad na magiging meme to promise di ako ganyan kaliit, 7 footer siya ” saad ni Donnalyn sa caption.
Umani tuloy ito ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Tall, dark and bloombra"
"Sana nagpabuhat ka nalang Ms Donnalyn para mas bongga ang entourage .. Kidding lang po. Ganda niyo rin sa kasal ni Zeinab sana ikaw na susunod. Doon kana bumawi "
"Wag kang mag alala beh, tanggap na tanggap ka namin talaga hahaha "
"Para ka nga po barbie eh"
"Bagay dito ung kantang FOREVERMORE "
"Tall, daks and handsome naman yung guy mis Donna "
'Yung braso nya parang hita mo na po "
"Cute kaya"
"Blackhole is real totoo nga na mas malakas ang itim kaysa puti"
Nakipag-isang-dibdib si Zeinab sa basketbolistang si Bobby Ray Parks, Jr. noong Hunyo 10 sa isang reseort sa Tagaytay.
Matatandaang Hulyo 2024 nang surpresahin ni Ray si Zeinab para alukin ng kasal ang huli.
MAKI-BALITA: Jelai, pinasalamatan si Ray Parks nang alukin ng kasal si Zeinab