June 15, 2025

Home BALITA Probinsya

Dalagitang nangisay sa kaka-cellphone, patay matapos mahulog sa ilog

Dalagitang nangisay sa kaka-cellphone, patay matapos mahulog sa ilog
Photo courtesy: Pexels

Isang 11 taong gulang na babae ang natagpuang patay sa ilog sa Alliance of Two Hearts, Basak, Mandaue City, Cebu.

Ayon sa mga ulat, hinihinalang nangisay ang biktima at aksidenteng nahulog sa ilog. Sa panayam ng media sa ina ng biktima, sinabi niyang noong Lunes ng umaga, Hunyo 9, 2025 nang umalis ang kaniyang anak at bigong nakauwi sa kanila. Habang noong Martes, Hunyo 10 nang marekober ang bangkay nito sa ilog.

Samantala, sa hiwalay na panayam ng media sa ama ng biktima, nabanggit nitong matagal na raw nakakaranas ng pangingisay ang biktima na umano’y dahil sa labis daw nitong paggamit ng cellphone. 

Bigla na lamang daw nangingisay at naninigas ang biktima sa tuwing nakakarinig ng malalakas na tunog o hindi naman kaya ay kalabog.

Probinsya

9-anyos na bata, patay sa rabies; aso, kinatay at kinain pa ng 30 katao

Iginiit din ng pamilya ng biktima na pangongolekta raw ng basura ng kapitbahay ang pinagkakaabalahan ng biktima upang kumita ng pera.