June 15, 2025

Home BALITA National

ALAMIN: DMW, may alok na trabaho sa mga gustong maging OFW

ALAMIN: DMW, may alok na trabaho sa mga gustong maging OFW

Magandang Balita! 

Mag-aalok ng higit-kumulang 3,700 trabaho ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga Pinoy na gustong magtrabaho sa ibang bansa sa Huwebes, Hunyo 12, 2025.

Magsasagawa ng MEGA OVERSEAS JOB FAIR ang DMW sa Huwebes, Hunyo 12 mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa Level 3, Robinsons Galleria, Ortigas, Quezon City. 

GENERAL REQUIREMENTS NA KAILANGAN SA JOB APPLICATION (ayon sa DMW):
1. Passport
2. Resume
3. Kopya ng diploma
4. TESDA certificates relevant/aligned sa posisyong aaplyan.

National

Kakulangan ng classroom, aabutin ng 55 taon bago masolusyunan—Sec. Angara

MAHALAGANG PAALALA

1. PAGPAPAREHISTRO
- Bisitahin ang opisyal na website o portal ng job fair: https://jobfairportal.dmw.gov.ph

A. Kung kayo ay may eRegistration account na, i-type ang inyong email address at ang inyong password na gamitsa eRegistration at i-click ang Sign in

B. Kung kayo ay wala pang eRegistration account, i-click ang I don’t have eRegitration account.
Punan ang kinakailangang impormasyon tulad ng:
Buong pangalan
Gender
Address
Email address
Contact number
Educational background
Karanasan sa trabaho (kung mayroon)
Preferred job category
Lagyan ng check ang 'I agree to the DMW Data Privacy Notice'
I-click ang Submit Registration button

C. Kung kayo ay nakapag register na ngunit hindi na maalala ang log-in detais, i-click ang 'I already have Job Fair Pass.' I-type ang inyong email address at ang inyong birth date.

2. PAG-GENERATE NG QR CODE

• Kung kayo ay nakapag log-in na gamit ang alinman sa tatlong (3) paraan ng pagpaparehistro, i-click ang “Show Job Fair Details”

• Sa Jobfair Details, i-click ang “Pre-Register” para makapag generate ng inyong QR code

• Sa araw ng job fair, ipakita ang QR code o Job Fair pass sa Registration Booth/Table.

KARAGDAGANG PAALALA:

1. Ang mga jobseekers/aplikante ay maari lamang mag tagalsa Job Fair Area sa loob ng bente minuto (20 mins.) para mag-submit ng kanilang resumes/curriculum vitae.

2. Para sa walang hassle na paglahok sa Job Fair, siguraduhing mag-save ng kopya ng inyong QR code.

3. Ang mga nakapag pre-register online at nakapag-generate ng QR Code ay bibigyang prioridad na makapasok sa Job Fair Area.

4.  Ang mga walk-in applicants ay maaari lamang pumasok saJob Fair Area pagkatapos na makapag apply ng mga pre-registered applicants.

5.  Ang mga applicants ay maari din maghulog ng resumes sa mga drop boxes na provided ni DMW.

6. Siguraduhing i-scan ang Job Fair Pass/QR Code sa terminal scanner bago mag-exit sa job fair area para makumpleto ang proseso.