June 11, 2025

Home BALITA Metro

10-anyos na tinuli sa Tondo, namatay dahil sa anesthesia

10-anyos na tinuli sa Tondo, namatay dahil sa anesthesia

Posibleng may kaugnayan sa anesthesia ang sanhi ng pagkamatay ng 10-anyos na bata na tinuli sa Tondo sa Maynila noong Mayo 17, ayon sa Manila Police District (MPD).

Ayon kay PCapt. Dennie Turla, hepe ng Homicide section ng MPD, lumabas sa resulta ng autopsy na ang ikinamatay ng bata ay "subarachnoid hemorrhage."

"According po sa ating medico legal officer ang pinakasimpleng paliwanag po rito ay may nakitang pagdurugo sa isang parte ng utak ng bata, na posibleng may kaugnayan doon sa pagturok ng anesthesia," ani Turla sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News nitong Martes, Hunyo 10. 

Dagdag pa niya, bagama't hindi pa nila naaaresto ang midwife na nagsagawa ng pagtutuli ay nagsampa na sila ng kaukulang kaso laban dito. 

Metro

Ospital sa Makati, nangangailangan ng blood donor

Matatandaang nakita lang daw ng ina ng biktima sa social media ng kaniyang kaibigan na may nag-aalok ng tuli sa naturang clinic. 

BASAHIN: 10-anyos na bata patay matapos magpatuli sa isang clinic sa Tondo