June 12, 2025

Home BALITA Metro

Halos 4,000 job vacancies, iaalok sa job fair sa Maynila

Halos 4,000 job vacancies, iaalok sa job fair sa Maynila
Honey Lacuna (Manila PIO)

Tinatayang aabot sa halos 4,000 job vacancies ang iaalok ng 30 local employers sa idaraos na job fair sa lungsod ng Maynila sa Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, Huwebes.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ang job fair ay isasagawa mula 10:00AM hanggang 5:00PM sa SM City Manila 4th Level, West Wing (tabi ng Gerry's Grill) sa Ermita, Manila.

Bukod aniya sa mga naturang job vacancies, magtatayo rin sila ng One-Stop-Shop kung saan maaaring magtungo ang mga residente na may transaksiyon sa SSS, Pag-Ibig, PhilHealth, BIR, MPD, OWWA, TESDA at iba pang government agencies.

Nabatid na ang naturang job fair ay handog ng Department of Labor and Employment - National Capital Region (DOLE-NCR) at ng DOLE NCR Manila Field Office, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila, sa pangunguna ni Lacuna at sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) - City of Manila.

Metro

Ospital sa Makati, nangangailangan ng blood donor

Ani Lacuna, ang mga nais na lumahok sa job fair ay maaaring magpa-pregister sa link na https://docs.google.com/.../1FAIpQLSd4dyoOyM6not.../viewform

Pinaalalahanan din naman ng alkalde ang mga magtutungo sa job fair na magdala ng 10 kopya ng kanilang resume o biodata, gayundin ng sariling ballpen, inuming tubig, pamaypay at payong.