Nagsalita na ang kampo ni Vice President Sara Duterte hinggil sa nalalapit na paggulong ng impeachment.
Sa pahayag ng defense team ni VP Sara nitong Lunes, Hunyo 9, 2025, iginit nilang nakahanda raw silang harapin ang lahat ng mga walang batayang alegasyong ibinabato sa Pangalawang Pangulo.
"The impeachment must never be weaponized to harass, silence, or eliminate political opponents. It is a constitutional mechanism, not a political tool," anang defense team ni VP Sara.
Dagdag pa nila, "Nevertheless, should the Senate choose to proceed, we stand ready to confront the charges and expose the baselessness of the accusations against the Vice President."
Matatandaang noong Pebrero 5 nang tuluyang na-impeach si VP Sara sa House of Representatives. Habang matapos ang tinatayang apat na buwan na pagkakabinbin sa Senado, nakatakda nang basahin ang articles of impeachment ng sa Bise Presidente sa Hunyo 11.
KAUGNAY NA BALITA: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte
KAUGNAY NA BALITA: 'Walang atrasan!' 2 senador, sinigurong tuloy ang impeachment trial sa Hunyo 11
Kaugnay ng kaniyang impeachment, nauna nang iginiit ni VP Sara na mas gugustuhin niya raw magkaroon ng isang madugong paglilitis.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nagkomento sa nakabibing niyang impeachment: 'I want a bloodbath!'