Nagbigay ng pahayag si Senator Risa Hontiveros kaugnay sa inaprubahang karagdagang sahod ng Kamara para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
MAKI-BALITA; Kamara, inaprubahan na ang ₱200 na dagdag sahod
Sa latest Facebook post ni Hontiveros nitong Lunes, Hunyo 9, sinabi niyang nararapat na umanong magsagawa ng bicameral conference committee para dito.
“Pareho namang sumasang-ayon ang Kamara at Senado na oras na para magbigay ng umento sa sahod para sa mga manggagawa ng pribadong sektor,” saad ni Hontiveros.
Dagdag pa niya, “Dapat nang mag-convene ng bicameral conference committee.. at maisabatas na!”
Matatandaang nauna nang nanawagan si Hontiveros kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong Pebrero na sertipikahan na agad ang nasabing panukalang dagdag sahod para makasabay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang bayarin.
MAKI-BALITA: Sen. Risa nanawagan kay PBBM hinggil sa wage increase: 'I-certify urgent na ito!'
Samantala, pinababantayan naman ni labor leader at dating senatorial aspirant Atty. Luke Espiritu ang galaw ng pangulo at bicameral para sa ₱200 na karagdagang sweldo ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
MAKI-BALITA: Bicam at si PBBM, pinababantayan ni Espiritu sa mga manggagawa