Nagbigay ng pahayag si dating Manila 6th District Rep. Benny Abante kaugnay sa pagkaligwak niya sa nakalipas na 2025 midterm elections.
Sa pagbisita kasi ni Abante sa “Morning Matters” nitong Lunes, Hunyo 9, kinumusta siya ni TV5 news anchor Gretchen Ho sa kaniyang kandidatura.
“Actually, nagtaka kami [...] kasi the last survey I was 40% ang lamang ko sa kalaban ko,” saad ni Abante.
Si Joey Uy—na kaalyado nina upcoming Manila City Mayor Isko Moreno at upcoming Manila City Vice Mayor Chi Atienza—ang katunggali ni Abante sa naturang posisyon.
Naniniwala si Abante na may kinalaman umano ang serye ng mga pagdinig noon sa House Tri-Com na pinangunahan niya sa pagkabigo niyang makalusot sa katatapos lang na halalan.
“Pero,” pasubali niya, “mayro’n namang ibang nangyari so palagay ko makakabalik ako.”
Matatandaang inimbestigahan ni Abante sa Tri-Com ang talamak na troll farms at pagpapalaganap ng mga peke at malisyosong impormasyon o balita.