Namataan daw ang Kapuso star na si Bea Alonzo kasama ang rumored boyfriend na si Vincent Co, gayundin ang mother nitong si Susan Co at kapatid na babae, sa isang event.
Mukhang naipakilala na raw ni Vincent sa kaniyang mga magulang si Bea, at kung titingnan daw, ay mukhang boto naman ang madir sa Kapuso star bilang kaniyang mamanungangin, if ever lang naman na sila na ang "endgame."
Si Vincent, ay anak nina Lucio at Susan Co na isa lang naman sa mga pinakamayayamang bilyonaryo sa bansa, at may-ari ng chain of supermarkets sa Pilipinas.
Matatandaang nauna nang umugong ang tungkol sa romance na namamagitan sa kanilang dalawa nang maispatan silang magkasama sa isang bakasyon sa Espanya.
KAUGNAY NA BALITA: Bea Alonzo, rumored jowang si Vincent Co naispatang magkasama sa airport
KAUGNAY NA BALITA: Bea Alonzo, businessman na si Vincent Co, nagde-date?
Pero wala pang kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa kung ano ba talaga ang real status nila.