June 09, 2025

Home BALITA National

78% ng mga Pilipino, pabor harapin ni VP Sara ang impeachment—Octa survey

78% ng mga Pilipino, pabor harapin ni VP Sara ang impeachment—Octa survey
Photo courtesy: screengrab Office of the Vice President/FB

Payag ang tinatayang 78% ng mga Pilipino na harapin ni Vice President Sara Duterte ang nakabinbin niyang impeachment sa Senado, ayon sa pinakabagong survey ng OCTA Research Tugon ng Masa (TNM) na inilabas nitong Lunes, Hunyo 9, 2025.

Batay sa nasabing survey na isinagawa noong Abril 20 hanggang 24, tanging 13% lamang ang hindi pumabor sa usapin ng impeachment ng Pangalawang Pangulo habang 9% naman ang nagsabing wala silang alam patungkol dito.

Ayon sa OCTA, ang resulta ng kanilang survey ay patunay raw sa pananagutang ninanais ng publiko.

"These findings reflect strong public support for accountability and due process in addressing the allegations against the Vice President," anila.

National

Bagong timeline ng impeachment ni VP Sara, hindi sapat!—Rep. Gutierrez

Hinggil naman sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa impeachment ng mga Pilipino, naitala ng OCTA na naglalaro mula sa 83% hanggang 96% ang may alam sa naturang isyu.

"Awareness levels vary across regions, ranging from 83% to 96%. The highest awareness is recorded in Mindanao (96%), while the lowest is in the Visayas (83%)," saad ng OCTA.

Samantala, sa Hunyo 11 na inaasahang tuluyang uusad ang impeachment ng Pangalawang Pangulo matapos itong maipit sa Senado ng tinatayang apat na buwan.

KAUGNAY NA BALITA: 'Walang atrasan!' 2 senador, sinigurong tuloy ang impeachment trial sa Hunyo 11