June 09, 2025

Home BALITA

San Beda, Adamson, nanawagan na rin para sa impeachment ni VP Sara

San Beda, Adamson, nanawagan na rin para sa impeachment ni VP Sara
Photo courtesy: Contributed photo

Dumagdag na rin ang San Beda University at Adamson University sa mga eskwelahang nanawagan sa Senado upang maituloy na ang apat na buwang pagkakabinbin ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa inilabas na pahayag ng San Beda Graduate School of Law noong Sabado, Hunyo 7, 2025, iginiit nila ang kanila raw tatlong punto sa agarang pagtugon ng Senado sa impeachment ni VP Sara.

Iginiit ng San Beda sa kanilang punto ang “forthwith” na tinutukoy umano sa Konstitusyon. 

“Article XI is clear that when the verified complaint is endorsed by at least one-third of the members of the House of Representatives, trial by the Senate must thereupon (forthwith) proceed,” anang San Beda.

National

PBBM, pinahahanap student athletes na nag-wacky ng mukha sa speech niya

Sa ikalawang punto, pinuna naman nila ang pagkaantala ng impeachment habang pananagutan naman ang binigyang-diin nila sa ikatlong punto.

“There is no sound constitutional and legal basis for any delay in the trial,” anila. Dagdag pa ng San Beda, “The trial is a measure of accountability.  The problem with government, and the resulting lack of public trust in it, has to do with deficits in measures of accountability.”

Samantala, kinondena naman ng Adamson ang magkakaibang pagtugon daw ng mga Senador sa usapin ng impeachment—dahilan upang maiwan lamang itong nakabinbin sa nalalapit na pagtatapos ng 19th Congress.

“This is a clear constitutional order to act immediately, and does not in any way imply that the Senate has discretionary powers in this regard,” anang unibersidad.

Panawagan pa nila sa mga senador, “Do what is right instead of what is convenient for you. You must immediately commence impeachment proceedings as mandated by the Constitution without further delay.”

Ang Adamson at San Beda ang ikaapat at ikalimang eskwelahang naglabas ng pahayag hinggil sa usapin ng Senado matapos mangalampag ang University of the Philippines (UP) College of Law, Ateneo at De La Salle.

KAUGNAY NA BALITA: Ateneo, nangalampag na rin sa Senado hinggil sa impeachment ni VP Sara

KAUGNAY NA BALITA: DLSU, kinalampag na rin ang Senado para pagulungin paglilitis kay VP Sara

KAUGNAY NA BALITA: UP College of Law, kinalampag na Senado hinggil sa impeachment vs. VP Sara