June 09, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Nakaiskor na ba? Kristel nahiya sa pulot-gata nila ng Oppa hubby

Nakaiskor na ba? Kristel nahiya sa pulot-gata nila ng Oppa hubby
Photo courtesy: Screenshots from Kristel Fulgar (YT)

Kinaaliwan ng mga netizen ang aktres-social media personality na si Kristel Fulgar matapos niyang ibahagi sa kaniyang vlog ang pagtatago sa comfort room.

Mapapanood na tila bagong paligo si Kristel at hindi pa lumalabas sa CR dahil hinihintay raw muna niyang makatulog ang South Korean husband na si Suhyuk Ha.

Kuha ito sa honeymoon nila ng mister.

"Actually chumichika lang ako kasi kunwari para may ginagawa ako," saad ni Kristel sa vlog.

Relasyon at Hiwalayan

Michele Gumabao, walang alam sa relasyon ng utol kay Cristine Reyes

"Pero hinihintay ko lang din siyang makatulog."

"I'm shy..."

"Kailangan ba talagang gawin 'yon? Nagmahalan naman kami na wala naman kaming gano'n dati... bakit ngayon, parang kailangan na?" natatawang sabi pa ni Kristel, na tumutukoy sa "bembangan."

Tinatanong pa raw siya ng nanay niya kung "nakaiskor" na raw ba.

"Tinatanong pa 'ko ng nanay ko 'Okay na ba? Nakaiskor na ba?' Parang hinihintay na niya, matapos niya kong pagbawalan ng ilang taon, ngayon atat na ata na?" nalolokang sabi pa ni Kristel.

Pero nang bumalik naman na siya sa kuwarto ay makikitang tulog na ang kaniyang mister.

Ikinasal ang dalawa noong Mayo 2025 matapos ma-engage noong Pebrero.

KAUGNAY NA BALITA: Kristel Fulgar, ikakasal na!