June 09, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Euleen Castro, inakalang na-gets ng followers ang humor niya

Euleen Castro, inakalang na-gets ng followers ang humor niya
Photo courtesy: Screenshot from Euleen Castro (YT)

Aminado raw si "Pambansang Yobab" Euleen Castro na hindi niya akalaing lalaki at lalala nang sobra ang viral video ng pagsasabing hindi siya nasarapan sa mga inorder na kape at pastries sa isang cafe sa Iloilo City.

Ayon sa kaniyang inilabas na vlog upang ipaliwanag ang kaniyang panig sa pamamagitan ng isang interview format, sinabi ni Euleen na inakala raw niyang gets ng followers niya ang humor niya.

"Akala ko po kasi lahat nage-gets na 'yong humor ko, lahat ng followers ko," aniya.

"Doon ako medyo nag-lean sa gets naman ako ng supporters ko."

Tsika at Intriga

Bea Alonzo, naispatang kasama na ang madir, sis ni Vincent Co

Ang gusto lang naman daw niyang sabihin ay feedback niyang hindi siya nasarapan sa kaniyang kinain at wala naman daw siyang layuning sirain o ipasara ang negosyo.

Naging wake-up call daw ang insidente para ma-realize ni Yobab na malaki at malawak na ang reach niya kaya dapat ay mas careful pa sa mga sasabihin at content niya sa susunod.

Pero inamin ni Euleen na honestly raw, hindi raw talaga siya nasarapan sa mga inorder nila, at iyon daw ay opinyon niya.

KAUGNAY NA BALITA: Euleen Castro sa cafe sa Iloilo: 'Honestly, hindi talaga ako nasarapan!'

Ipinaliwanag din ni Yobab sa vlog kung bakit siya nagmura.

KAUGNAY NA BALITA: Euleen Castro, nagpaliwanag kung bakit napamura sa viral video

Kung may nagawa man daw siyang pagkukulang, iyon daw ay paglalagay ng disclaimer sa video na kung anuman ang panlasa niya sa pagkaing tinikman, hindi raw nangangahulugang ganoon na raw ang lasa sa iba pa, dahil iba-iba naman daw ang taste ng tao.

Sa bandang huli ay humingi ng paumanhin si Euleen sa lahat ng mga nasaling, nasaktan, at naapektuhan sa kaniyang mga naging kilos at nasabi, lalo na sa mga staff, crew, at may-ari ng cafe dahil sa kaniyang naging pagkukulang.