June 09, 2025

Home BALITA Probinsya

15-anyos, patay sa pagsabog ng isang bagay na napagkamalang gold bar!

15-anyos, patay sa pagsabog ng isang bagay na napagkamalang gold bar!
Photo courtesy: Contributed photo

Patay ang 15-anyos na lalaki matapos sumabog ang isang umanong bomba na napagkamalang gold bar sa Bukidnon.

Ayon sa mga ulat, natagpuan ng biktima ang isang bagay na inakala niyang gold bar. Kasama ang dalawa pang kaibigan na 18-anyos at 33 taong gulang, may ginupit daw sila bahagi ng natagpuang bagay at saka ito sumabog. 

Nakaligtas naman ang dalawang kaibigan ng biktima habang dead on arrival na siya nang maisugod sa ospital.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alamang vintage bomb umano ang nahagip ng mga biktima. Patuloy naman ang kanilang pagsisiyasat kung anong uri ng pampasabog ang natagpuan sa kanilang lugar.

Probinsya

Malawakang rotational brownout sa Siquijor, nauwi sa deklarasyon ng state of calamity