June 08, 2025

Home BALITA National

Paalala ni Pangilinan sa mga senador tungkol sa impeachment: 'Trial hindi dismissal!'

Paalala ni Pangilinan sa mga senador tungkol sa impeachment: 'Trial hindi dismissal!'
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Pinaalalahanan ni Senator-elect Kiko Pangilinan ang Senado tungkol umano sa kapangyarihan nito sa pagtugon sa nakabinbing impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Sa isang X post nitong Sabado, Hunyo 7, 2025, binigyang-diin ni Pangilinan ang dapat umanong gawin ng Senado batas sa kung ano ang nakasaad sa Saligang Batas.

"With all due respect sa mga Senador, sa oras na matanggap ng Senado ang complaint, ang utos ng Saligang Batas ay 'proceed with trial' at hindi proceed with dismissal," ani Pangilinan.

Dagdag pa niya, bilang mga tatayong hukom ng naturang impeachment, dalawang desisyon lang daw ang maaaring pagpilian ng mga senador na nakabatay sa ebidensya.

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

"Acquittal o conviction lang ang maaaring pagpipilian na pasya ng mga senador bilang mga hukom. Kung walang sapat na ebidensya sa Trial, dapat acquittal. Conviction naman kung sapat ang ebidensya," aniya.

Matatandaang umugong ang mga balitang posibleng maibasura ang nakatenggang impeachment ni VP Sara sa Senado matapos pumutok ang usapin ng resolusyong naglalayong tuludukan na raw ito bago pa tumawid sa 20th Congress.

KAUGNAY NA BALITA: 'Made from Bato!' Reso para ibasura impeachment ni VP Sara, galing kay Sen. Bato

Sa Hunyo 11 inaasahang magsisimula ang pagbasa sa articles of impeachment kung saan iginiit ni outgoing Senator Koko Pimentel na maaaring manggulat ang naturang resolusyon laban sa impeachment. 

KAUGNAY NA BALITA: Hula ni Sen. Koko, senate reso laban sa impeachment, pasabog sa Hunyo 11