June 08, 2025

Home BALITA National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar
(PAGASA)

Itinaas na ng PAGASA sa orange rainfall warning ang Metro Manila at karatig na lugar dahil sa habagat at low pressure area (LPA) na kasalukuyang nakakaapekto sa bansa.

Sa inilabas na 11:00 p.m. heavy rainfall warning no. 1 nitong Sabado, Hunyo 7, nakataas sa orange warning ang Metro Manila, Rizal, Bulacan, Batangas, at Cavite.

Ibig sabihin, makararanas ang mga nabanggit na lugar ng matinding pag-ulan sa loob ng isang oras at susunod pang dalawang oras.  

Nasa yellow warning naman ang Pampanga, Laguna, at Tarlac.

National

50% ng mga Pilipino, aminadong naghihirap pa rin—SWS

Kapag nasa yellow warning ang isang lugar, makararanas ito ng malakas na pag-ulan sa loob ng isang oras at susunod pang dalawang oras.

Samantala, mahina hanggang sa katamtaman na may paminsan-minsang malakas na pag-ulan na nakakaapekto sa Quezon, Bataan, Zambales at Nueva Ecija na maaaring magpatuloy sa loob ng 3 oras.

Pinapayuhan ang publiko at ang mga kinauukulang Disaster Risk Reduction and Management Offices na bantayan ang lagay ng panahon at bantayan ang susunod na warning na ilalabas bukas ng 2:00 ng umaga, Linggo, Hunyo 8.