Nagbahagi ng komento ang beauty queen at volleyball star player na si Michele Gumabao hinggil sa relasyon ng kapatid niyang si Marco Gumabao kay Cristine Reyes.
Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, inusisa si Michelle kung humihingi ba sa kaniya ng payo si Marco tungkol sa relasyon nito.
“No Tito Boy, not at all,” sagot ni Michele. “And I don't actually know where they are now in their relationship."
Pero aniya nakausap naman daw niya si Cristine kamakailan lalo na nang pumanaw ang daddy nito.
MAKI-BALITA: Cristine Reyes, pinagsisihang ‘di nahagkan ang adoptive father bago pumanaw
“So, she has a good relationship with our family. So, at least whatever is happening between them, hindi naman na-affect ‘yong mga tao sa paligid like us," dugtong pa ng volleball star player.
Matatandaang muling nabuhay ang bulung-bulungan na split na sina Cristine at Marco matapos nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram. Ngunit naapula rin naman ang intriga matapos nilang mag-follow back muli.
MAKI-BALITA: Cristine Reyes, Marco Gumabao in-unfollow na ang isa't isa
Pero bukod dito, noong Agosto 2024 ay tinadtad si Marco ng tanong mula sa mga netizen kung sila pa raw ba ni Cristine matapos mapansing wala ang huli sa birthday celebration nito.
MAKI-BALITA; Marco Gumabao, tinadtad ng tanong kung sila pa ni Cristine Reyes