June 08, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Matapos singhutin panty ni Eva Elfie: Misis ni Boss Toyo, umalma!

Matapos singhutin panty ni Eva Elfie: Misis ni Boss Toyo, umalma!
Photo Courtesy: Pinoy Pawnstars (YT)

Nagbigay ng reaksiyon si Loves Jhoy sa video ng mister niyang si Boss Toyo kasama ang sikat na Russian pornstar na si Eva Elfie.

Matatandaang tampok sa latest episode ng “Pinoy Pawnstar” si Eva matapos niyang sadyain si Boss Toyo para ibenta ang paboritong panty niya.

Sininghot pa ni Boss Toyo sa nasabing video ang panty ni Eva matapos niyang malamang ito ang paborito nitong isuot.

MAKI-BALITA: Boss Toyo, ‘di nakapagpigil; sininghot panty ni Eva Elfie

Relasyon at Hiwalayan

Michele Gumabao, walang alam sa relasyon ng utol kay Cristine Reyes

Kaya sa latest Facebook reels ni Jhoy noong Biyernes, Hunyo 6, tila napagtagpi-tagpi niya ang dahilan kung bakit hindi siya sinama ng mister sa video shoot.

“Kaya pala wala ko sa shoot ng araw na yan di mo ko sinama! Akala ko maman sinong eva yun tinutukoy mo! Parapraan ka lng pla boy!” saad ni Jhoy sa caption.

Komento naman ni Boss Toyo, “[N]iyaya kita! alm mo mmn kung ganu kita kamahal. pde naba ko umuwi?”

Pinresyuhan ni Eva ang panty niya sa halagang $500. Ngunit ibinaba ni Boss Toyo sa halagang $100 ang nasabing panty. Sa huli, nagtagpo sila sa presyong $300 na may kasama pang sampung yakap.

MAKI-BALITA: May panty na, may yakap pa! Sikat na pornstar, nagbenta kay Boss Toyo