Tuluyang nagdeklara ng state of calamity ang lokal na pamahalaan ng Siquijor bunsod ng nagpapatuloy power crisis sa buong lalawigan.
Sa ilalim ng Resolution No. 2025-02 iginiit nitong apektado na raw ng rotational brownout sa kanilang lugar ang primaryang sektor na nakadepende sa supply ng kuryente.
"A resolution recommending the declaration of state of calamity in the province of Siquijor due to disruption of the lifelines such as electricity, water system, communication systems, services in both government and private sectors and other electric-dependent systems," anang resolusyon.
Ayon sa mga ulat noong Mayo 13 pa nang mag-umpisang magkaroon ng rotational brownout sa buong probinsya ng Siquijor kung saan tinatayang nasa dalawa hanggang limang oras lamang daw nakakaranas ng kuryente sang iba't ibang lugar.
Sinasabing nagdudulot ngayon ng rotational brownout sa naturang probinsya ang nag-malfunction na na anim na generator ng Sipcor-ang primaryang power provider ng nasabing probinsya.
Nasa dalawang milyon na rin daw ang nailabas ng lokal na pamahalaan ng Siquijor upang ipambili ng dalawang generator sa Palawan.
Ayon sa gobernador ng Siquijor na si Gov. Jake Vincent Villa, taong 2015 ng magkasundo sila sa nasabing power provider sa loob ng 25 taon. Bagama't may 15 taon pa silang kontratang gumugulong, nanindigan ang gobernador na palano na nilang putulin ang nasabing kontrata bunsod ng nangyaring aberya.