Inamin ni award-winning actor John Arcilla ang pagkamamali ng henerasyon niya sa pagpili ng mga halal na opisyal.
Sa latest Facebook post ni John nitong Sabado, Hunyo 7, nanawagan siya sa mga Gen Z at Millenials na palitan na lahat ng nasa pwesto na deka-dekada nang nakaupo sa gobyerno.
“PANAHON nyo na MGA GEN-Z at MILLENIALS. Sa BAWAT darating na BOTOHAN, I’m sure malinaw na sa inyo ang SOLUSYON. PALITAN NYO NA ANG LAHAT NG isang dekada ng naka upo,” saad ni John.
Dagdag pa niya, “PALITAN NYO NA ANG MGA MAGKAKAMAG ANAK NA NAKA PWESTO. Yun ang layunin ng BOTOHAN hindi ba? PALITAN NG MGA BAGO AT MAS MAHUSAY ang mga UNANG UMUPO. HINDI PARA PANATILIHIN SILA SA PWESTO.”
Kaya mungkahi niya na i-research ng mga bago at tamang taong iboboto sa mga darating na eleksyon.
“I’m sure alam ninyo na KAYO, PAMILYA ninyo at ang buong Bansa ANG MAKIKINABANG SA GAGAWIN NINYO,” pahabol pa ng award-winning actor.
Tila likas na talaga kay John ang pagiging kritiko sa mga isyung pampolitika. Noong nakaraang 2025 midterm elections, ibinahagi niya ang kalagayan ng classroom kung saan siya bumoto para manawagang pumili ng tamang kandidato.
MAKI-BALITA: John Arcilla, naispatan bukbuking mesa sa classroom: 'Asan ang budget sa edukasyon?'
Matatandaang sa isa ring panayam ay sinabi niyang mas gusto raw niyang punahin ang gobyerno kaysa lumahok sa politika.