June 08, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Cebu beauty queen, itinuturong nanay ng anak, bagong partner ni Tom Rodriguez

Cebu beauty queen, itinuturong nanay ng anak, bagong partner ni Tom Rodriguez
Photo courtesy: Chella Falconer (FB)/Tom Rodriguez (IG)

Nagsalita ang Cebu-based beauty queen na si Chella Grace Falconer hinggil sa intrigang siya ang nanay ng baby boy at kasalukuyang bagong partner ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Matatandaang kamakailan, may "likod reveal" si Tom sa kaniyang anak at non-showbiz girlfriend, na aniya, ay "sanctuary" niya.

MAKI-BALITA: 'Kelan face reveal?' Tom Rodriguez flinex anak, partner niya pero nakatalikod

"Some treasures in life are too sacred to put on full display. This isn’t about hiding…it’s about holding," mababasa sa caption ng Instagram post ni Tom.

Tsika at Intriga

Kat Domingo, pumalag sa nagsabing 'wag na lang pansinin' kabastusan

"Holding close what grounds me. What restores me. What reminds me of who I am beyond the lights, the noise, and the roles I play."

"This family of mine is my sanctuary…My peace. And in a world that often demands a performance, they are where I’m most real," aniya pa.

MAKI-BALITA: Tom Rodriguez, 'sanctuary' ang pamilya niya: 'My peace!'

Matatandaang nauna nang ni-reveal ni Tom ang pagkakaroon ng baby boy at bagong partner subalit hindi pa niya inilantad sa publiko ang kanilang looks.

Matatandaang ikinasal sina Tom at Carla noong Oktubre 2021, subalit makalipas lamang ang tatlong buwan ay pumutok na ang isyu ng kanilang hiwalayan.

Sa kasalukuyan ay "divorced" na umano ang kasal ng dalawa sa Amerika at kinikilala raw ito ng hukuman sa Pilipinas.

Curious naman ang mga netizen kung sino si "mystery woman," at ang ilang mga netizen, pinagbibintangan si Falconer na siya raw bagong babae sa buhay ng aktor.

Bagay na pinabulaanan naman ng beauty queen at sinabing hindi siya ang nabanggit na babae. Ginamit kasing batayan ng mga netizen ang kulay ng buhok niya, gayundin ang lumang Facebook post niya noong Marso 2, 2024, nang ipakilala niya ang kaniyang anak na si Trevor.

"Hi everyone! Just to clarify, I’m not Tom Rodriguez’s girl, so please let’s stop spreading false rumors. " aniya.

Si Falconer ang hinirang na Ms.Universe Philippines Cebu Tourism 2025 kamakailan.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Tom tungkol dito.