June 09, 2025

Home BALITA National

Ayaw na sa 'jet ski promise!' PCG, hopya sa PH President sa 2028 na magtatanggol sa WPS

Ayaw na sa 'jet ski promise!' PCG, hopya sa PH President sa 2028 na magtatanggol sa WPS
Photo courtesy: via Philippine Coast Guard

Inungkat ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Jay Tarriela ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagsakay niya umano sa jet ski patungong West Philippine Sea (WPS), hinggil sa pagpili raw ng magiging Pangulo sa 2028

Sa press briefing nitong Sabado, Hunyo 7, 2025, ipinaliwanag ni Tarriela ang importansya umano ng pagpapakalat ng tamang impormasyon sa nangyayari sa West Philippine Sea upang maipagtanggol ito sa pang-aangkin ng China.

"We have to keep doing this. Kung mayroon tayong 89 percent na awareness ngayon, I am hoping na sa mga susunod na taon, tuloy-tuloy pa rin nating gagawin ito. Lahat ng Pilipino—Luzon, Visayas, Mindanao—maiintindihan ang pinaglalaban natin," aniya.

Nagpahaging din si Tarriela tungkol sa umano'y isang Presidente na nangakong idadaan na lamang sa giyera at pagsakay sa jet ski ang pagtugon sa lumalalang sitwasyon ng WPS.

National

PBBM, pinahahanap student athletes na nag-wacky ng mukha sa speech niya

"Ito ang dahilan kung bakit we need to reach out to increase awareness more para siguraduhin natin ang Pangulo ng 2028 is not somebody who is going to set aside our fight in the WPS at sasabihin ulit walang kinalaman sa sikmura ng Pilipino ito, magkakagiyera at mangangakong magje-jet ski," saad ni Tarriela.

Matatandaang minsan nang nagako noon si dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya raw mismo ang sasakay sa jet ski patungong WPS dala ang bandila ng Pilipinas.

“I will ask the Navy to bring me to the nearest boundary dyan sa Spratlys, sa Scarborough. Bababa ako, sasakay ako ng jet ski, dala-dala ko yung flag ng Pilipino, at pupunta ako dun sa airport nila, tapos itanim ko. Then I would say this is ours and do what you want with me. Bahala na kayo. I would stake that claim and if they want to--matagal ko nang ambisyon yan na maging hero din ako. Pag pinatay nila ako dun, bahala na kayong umiyak dito sa Pilipinas,” ani Duterte.

Para kay Tarriela, mahalaga na mas maiparating pa raw sa buong Pilipino at sa buong mundo ang dinaranas ng Pilipinas sa China sa sarili nitong teritoryo.

"We need each one of you as Filipinos to amplify our narrative and tell the world na may isang bansa katulad ng China na patuloy na nanghaharang sa ordinaryong mangingisda at nagva-violate ng international law," saad ni Tarriela.