Hindi pinalampas ng ABS-CBN News Channel anchor at news reporter na si Kat Domingo ang pambabastos sa kaniya ng isang netizen na nagtanong sa kaniya kung puwede ba siyang mag-oral sex.
Ibinahagi ni Kat sa kaniyang X post ang screenshots ng direct message sa kaniya ng lalaki.
"'PWEDE MAGPA-BJ?’"
"These kinds of things should never be normalized in any setting — online or offline."
"Wala ho ba kayong nanay, asawa, anak or kapatid na babae for you not to realize how disrespectful & crude this is?"
"May we never tolerate such behavior. Silence is complicity."
Nagbigay naman ng update tungkol dito si Kat.
"UPDATE: I was told the photo of the elderly guy on his IG grid is an AI-generated photo."
"But regardless of age, ang bastos ay bastos," aniya pa sa isa pang X post.
Hindi naman nagsabi si Domingo kung balak ba niyang magsagawa ng legal na hakbang laban sa nabanggit na netizen.