Nagsadya sa tindahan ng negosyante at social media personality na si Boss Toyo ang sikat na pornstar na si Eva Elfie para magbenta ng espesyal na gamit nito.
Sa latest episode ng Pinoy Pawnstars nitong Biyernes, Hunyo 6, inusisa ni Boss Toyo si Eva kung ano ang dala nito para sa kaniya.
“What do you have for me to sell?” tanong ni Boss Toyo.
“Yes I have a little present sa 'yo,” sagot ni Eva sabay labas ng umano’y special bag na may lamang panty.
Ayon sa sikat na pornstar, nagamit na umano niya ang panty. In fact, ang ibinigay niya raw kay Boss Toyo ang pinakapaborito niya.
Kaya naman hindi napigilan ni Boss Toyo na amuyin ang little present ni Eva sa kaniya.
Pinresyuhan ng sikat na pornstar ang panty niya sa halagang $500. Ngunit ibinaba ni Boss Toyo sa halagang $100 ang nasabing panty.
Hindi pumayag si Eva dahil masyado raw mura ang inaalok na halaga ni Boss Toyo. Sa huli, nagtagpo sila sa presyong $300 na may kasama pang sampung yakap.