Brutally honest ang naging mga sagot ng social media personality-dancer na si Toni Fowler sa vlog ni Bea Borres, na pinamagatan niyang "REAL Lie Detector Test with Mommy Toni Fowler" na umere noong Hunyo 2.
Nauuso ang lie detector test vlog sa mga influencer lalo na kapag maseselan o sensitibo ang mga tanong na gustong uriratin
The usual lie detector test vlog ang ginawa ng dalawa: nagtanungan lang sila ng mga tanong na ang iba ay wholesome naman, habang ang iba naman ay daring at maselan.
Pero knowing Toni, talaga namang walang filter na sasagutin niya kahit anumang ibatong tanong sa kaniya.
Isa ngang nakakaintrigang tanong sa kaniya ni Bea ay kung naranasan na niya ang threesome o tatluhan sa pakikipagbembangan.
Sagot ni Toni habang umiiling, "Threesome? No."
Nang tanungin naman ni Bea kung totoo ito kay "Kuya Bunso" na siyang nagmomonitor ng lie detector test, nag-thumbs up siya meaning totoo ang sinabi ng influencer.
"Gusto ko 'yan pero ayaw ng partner ko, kasi bi [bisexual] ako eh, 'di ba, kumakain din ako ng p*pe," aniya.
Nang tingnan naman sa lie detector test, nag-thumbs up ulit si Kuya Bunso na ang ibig sabihin, hindi nagsisinungaling si Toni.
"Totoo. Alam mo 'yong patis? Gano'n 'yong amoy no'n. Pero ano, bi kasi ako, so open ako sa gano'n, 'yon nga lang ;yong partner ko, hindi niya gusto. Nirerespeto ko naman 'yon. Kung abot ko nga 'to [kiffy niya] kinain ko na Bea eh," aniya pa.
MAKI-BALITA: 'Lasang patis!' Toni Fowler, kumakain ng p*pe dahil bisexual
Ang tinutukoy ni Toni na partner niya ay si Vince Flores, na aniya, ay totoong mahal niya at sana raw ay mas nauna niyang minahal at nakilala noon.