June 07, 2025

Home BALITA Eleksyon

Duterte Youth first nominee, ibang apelyido umano ginamit sa CON-CAN; pinagpapaliwanag!

Duterte Youth first nominee, ibang apelyido umano ginamit sa CON-CAN; pinagpapaliwanag!
photo courtesy: PTV, Duterte Youth/FB

Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections (Comelec) ang Duterte Youth Partylist first nominee na si Drixie Mae Cardema dahil sa umano'y paggamit ng ibang apelyido sa kaniyang Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN) noong nakaraang eleksyon.

Si Drixie Mae ay kapatid ni Ducielle Marie Cardema, at ang mister naman ni Ducielle ay si Ronald Cardema, chairman ng naturang partylist.

Sa ipinasang CON-CAN ni Drixie sa Comelec noong nakaraang taon, "Cardema" ang apelyidong ginamit niya habang "Suarez" naman ang nakasaad sa middle name niya—kahalintulad umano sa pangalan ng kapatid niyang si Ducielle noong ito'y wala pang asawa.

Noong Miyerkules, Hunyo 4, sinabi ni Comelec chairman George Garcia na tinitingnan na ng law department ang mga dokumentong isinumite ng naturang partylist. 

Eleksyon

SOCE, ipasa na! — Comelec

Matatandaang naudlot ang proklamasyon ng Duterte Youth Partylist nang manalo ito sa eleksyon noong Mayo 12 dahil sa mga petisyong nakabinbin laban dito.

KAUGNAY NA BALITA:  Duterte Youth, BH Party-list, naudlot proklamasyon para sa 20th Congress

Nauna na ring sinabi ni Garcia na komplikado ang kaso ng partylist. 

KAUGNAY NA BALITA: Comelec, ‘di raw makapag-desisyon sa kapalaran ng Duterte Youth Party-list: ‘Komplikado!’

Samantala sa ulat ng PTV nitong Huwebes, Hunyo 5, maglalabas ng show cause order ang Comelec laban kay Drixie para magpaliwanag kaugnay sa paggamit umano niya ng ibang apelyido.