Maipoproklama na ang Bagong Henerasyon (BH) Party-list matapos ilabas ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang kanilang pinal na desisyon sa nakabinbin nitong disqualification case.
Batay sa desisyon ng komisyon, tuluyan nilang ibinasura ang motion for reconsideration ng petitioner na nagsampa ng disqualification case laban sa naturang party-list.
"WHEREFORE, premises considered, the Commission (En Banc) RESOLVED, as it hereby RESOLVES, to DENY this Motion for Reconsideration and AFFIRMS the Resolution of the Commission (First Division) dated 22 May 2025," anang komisyon.
Kaugnay nito, hindi rin naglabas ng restraining order ang Korte Suprema hinggil sa nasabing desisyon ng Comelec En Banc, dahilan upang tuluyan nang maiproklama ang BH Party-list.
Matatandaang noong Mayo 23 noong inilabas ng Comelec ang kanilang desisyon na ibasura ang reklamo laban sa nasabing party-list. Ngunit, nilinaw ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na hindi raw agad nila ipoproklama ang BH kung maghahain ang petitioner nito ng motion for reconsideration.
KAUGNAY NA BALITA: Matapos mabasura ang kaso: BH Party-list, hindi pa rin maaaring maiproklama—Comelec
KAUGNAY NA BALITA: Disqualification case ng Bagong Henerasyon Partylist, ibinasura ng Comelec 1st division
Samantala, tanging ang Duterte Youth Party-list na lamang ang naiiwang party-list representative na hindi pa maipoproklama dahil sa nananatili nitong nakabinbing mga kaso.
KAUGNAY NA BALITA: Duterte Youth first nominee, ibang apelyido umano ginamit sa CON-CAN; pinagpapaliwanag!
BASAHIN: Comelec, ‘di raw makapag-desisyon sa kapalaran ng Duterte Youth Party-list: ‘Komplikado!’