June 07, 2025

Home SHOWBIZ

Attendance ni Anne Curtis, 'pinaglaruan' ng It's Showtime

Attendance ni Anne Curtis, 'pinaglaruan' ng It's Showtime
Photo courtesy: It's Showtime (FB)

Naaliw ang mga netizen at madlang people sa ganap ng "It's Showtime" para sa isa sa mga host nitong si Anne Curtis dahil sa mga paandar nila sa pagpasok niya.

Simula kasi noong Lunes, Hunyo 2 ay pumasok na ulit si Annita sa noontime show, na matagal na na-miss ng netizens, madlang people, at avid viewers ng show.

Isa si Anne sa regular host nito, subalit napapadalas ang pagliban niya dahil sa kaabalahan sa iba't ibang commitment, kagaya na lamang ng taping nila ng "It's Okay To Not Be Okay" na Philippine adaptation ng isang sikat na Korean drama.

Bukod sa abala rin siya sa mommy at wife duties, busy rin si Anne sa iba't ibang endorsements niya, and mukhang may upcoming movie rin siyang pinaghahandaan.

Relasyon at Hiwalayan

‘Alam n’yo na kung sino kayo!’ Julia, nag-hi sa mga babaeng umaligid kay Coco

Gumawa pa talaga ng "news" ang It's Showtime para lang ipagbunyi ang sunod-sunod na pagpasok ni Anne sa show, na umabot nga hanggang Miyerkules, Hunyo 4.

Ngayong Huwebes, Hunyo 5, nasira na ang streak dahil umabsent na nga si Anne dahil kailangan daw niyang umattend sa moving-up ceremony ng anak nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia.

"Good morning! Maraming salamat sa survey. Moving up day ng aking mahal na Dahlia, so I will not be on Showtime today BUT I shall see you on Showtime tomorrow Madlang Peeps!" mababasa sa X post ni Anne, umaga ng Huwebes.