June 07, 2025

Home BALITA Probinsya

₱100k pabuya, ikinasa para sa hustisya ng 3 goat dealer na pinatay sa Maguindanao

₱100k pabuya, ikinasa para sa hustisya ng 3 goat dealer na pinatay sa Maguindanao
Photo courtesy: Contributed photo

Magbibigay na ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng Calatagan, Batangas para sa sa kung sinumang makapagturo sa pumatay sa tatlong goat dealer na natagpuan sa Maguindanao del Sur.

Batay sa isang resolusyon, tinatayang nasa ₱100,000 ang ibibigay ng lokal Calatagan upang magkaroon na raw sila ng lead sa kung sino o kung sino-sino raw ang suspek sa tatlo nilang kababayang ibinaon na lamang sa isang rubber plantation sa Maguindanao.

'To aid in the immediate resolution of this crime and to bring the perpetrators to justice, the Municipality of Calatagan deems it proper to offer a reward of ₱100,000 to any person who can provide any credible and verifiable information leading to arrest and prosecution of those responsible, in accordance to SB Resolution No. 090, S.2025," anang Calatagan LGU.

Matatandaang noong Mayo 30 nang madiskubre ang bangkay ng tatlong lalaking biktima ilang linggo matapos silang maiulat na nawawala.

Probinsya

Aso nakaladkad ng motor sa Pangasinan

Ayon sa mga ulat, noong Mayo 6, 2025 nang umalis ang mga biktima sa Calatagan, Batangas upang i-deliver umano ang 10 hybrid na kambing na nagkakahalaga ng  ₱1 milyon sa Maguindanao. 

Noong Mayo 11 daw huling nagkaroon ng contact sa kaniyang pamilya ang isa sa mga biktima na sinabing nasa checkpoint lamang daw sila at tinatayang 15 minuto na lamang ay magkikita na sila ng buyer.

Matapos umano nito ay hindi na nila na-contact ang mga biktima hanggang sa pumutok ang balita tungkol sa kinahinatnan ng mga ito.

Ayon sa pamilya ng mga biktima, hindi sila ang mismong may-ari ng mga kambing, bagkus ay taga-deliver lamang daw ang kanilang mga kaanak na nasawi.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad, lalo na't mismong election period daw nangyari ang pagpaslang sa mga biktima.