June 07, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vic Sotto sa 'not guilty plea' ni Darryl Yap: 'Oh... eh 'di good!'

Vic Sotto sa 'not guilty plea' ni Darryl Yap: 'Oh... eh 'di good!'
Photo courtesy: Vic Sotto (IG)/Darryl Yap (IG)

Naurirat si TV host-comedian Vic Sotto kung ano ang reaksiyon niya sa inihaing "not guilty plea" ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap, kaugnay ng dalawang counts ng cyber libel case na isinampa ng una laban sa huli.

Naganap ang pagtatanong ng media kay Vic sa ambush interview sa kaniya bilang brand ambassador ng app na inilunsad ng isang landline company para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), Martes, Hunyo 3.

Inisyal na sagot ni Vic habang naka-smile at may himig-pagbibiro, "Oh... eh 'di good!"

"Hindi, I cannot talk about it because it's on-going, basta ako naniniwala ako na gumugulong ang justice system natin, nakikita naman natin, whatever the decision of the court will be, eh abangan na lang natin sa susunod na kabanata," anang Vic.

Tsika at Intriga

Cebu beauty queen, itinuturong nanay ng anak, bagong partner ni Tom Rodriguez

Naganap ang arraignment sa pagitan ng kampo nina Yap at Sotto sa Muntinlupa Regional Trial Court kahapon ng Martes, Hunyo 3. Humarap ang direktor sa korte kasama ang abogado niyang si Atty. Raymond Fortun.

Ayon kay Fortun, naghain nga ng not guilty plea ang kaniyang kliyente para sa two counts ng cyber libel case na isinampa laban sa kaniya ni Sotto.

"During pre-trial, we try to agree on certain facts then there will be disclosure of yung mga evidences that are going to be presented," ani Fortun.

Bago maganap ang pagdinig sa kaso sa Agosto 19, magkakaroon daw muna ng mandatory mediation conference, na nakasaad din naman sa Saligang-Batas.

Sa panayam naman ng PEP sa abogado ni Sotto, natanong daw ang legal counsel niyang si Atty. Enrique dela Cruz kung papayag siyang paareglo kay Yap.

"Bago mag-umpisa 'yong trial, 'Lalaban tayo', iyan ang instruction niya sa amin," pahayag daw ng abogado.

"Hindi pa namin siya uli nakakausap kung open siya sa amicable settlement kaya binuksan 'yong pagkakataon. Mandatory 'yong pre-trial… 'yong mediation, we’ll ask him again. The last time na nagkausap kami, ang sabi niya, 'Proceed tayo to trial. Let the courts decide.'"

Hindi naman daw nagpa-interview sa media si Yap pagkatapos ng pagharap sa korte.

KAUGNAY NA BALITA: Darryl Yap, naghain ng 'not guilty plea' sa cyber libel case ni Vic Sotto sa kaniya

Nag-ugat ang kaso sa kontrobersiyal na teaser ng biopic movie ng sexy star na si Pepsi Paloma.