June 07, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Luis Manzano, 'tinodas' sa social media pero buhay na buhay pa rin

Luis Manzano, 'tinodas' sa social media pero buhay na buhay pa rin
Photo courtesy: Luis Manzano (FB)

Hindi nakaligtas sa fake news ng death hoax ang Kapamilya TV host na si Luis Manzano noong bago magtapos ang buwan ng Mayo.

Ipinalalabas kasi ng isang fake news page na pumanaw na ang kumandidatong vice governor ng Batangas, with matching mga larawan pa ng umiiyak na misis ni Luis na si Jessy Mendiola, at inang si Star For All Season at Batangas governor-elect Vilma Santos-Recto.

Espekulasyon ng mga netizen ay black propaganda ito ng mga taong may galit kay Luis.

Pero mula mismo kay Luis ang kumpirmasyong death hoax ito dahil buhay na buhay siya, at nagawa pang magbiro.

Tsika at Intriga

ABS-CBN reporter, pumalag sa bastos na tanong na 'Pwede magpa-BJ?'

"Update po, buhay na buhay po ako . Napakagwapo pa nga - Luis," aniya sa kaniyang Facebook post noong Mayo 29.

Hunyo 1, ibinida pa ni Manzano ang pagkikita nila ni retired Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil.

Hunyo 2, makikita ang pagsasagawa ng Facebook Live ng TV host habang nagwo-work out. Mababasa sa caption ng post, "Buhay na buhay ako… ata ?"

At sa pinakahuling Facebook Live ni Luis noong Lunes, Hunyo 2, sinabi niyang buhay na buhay siya at nagpasalamat sa mga taga-Batangas na patuloy raw na nagpapadala ng mensahe para sa kaniya dahil siya raw ang ibinoto sa pagka-bise gobernador noong nagdaang halalan.

"As of today, buhay pa, di pa natagos sa pader," mababasa sa caption ng Facebook post.

Samantala, nalalapit na raw ang muling pagbabalik ni Luis sa TV hosting.

KAUGNAY NA BALITA: Luis Manzano, may babalikan sa showbiz kahit olats sa politika